Pagtatayo ng revolutionary government ipinamamadali sa pangulo
Hinimok ng isang bagong tatag na grupo ang mga tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte na himukin ang pangulo na magdeklara ng revolutionary government.
Ayon sa Hukbong Federal ng Pilipinas, ito ang susi para mapabilis ang pagpapalit ng pamamahala ng bansa tungo sa isang federal government.
Anila, maaari kasing abutin pa ng ilang taon ang isang constitutional convention o constituent assembly para mangyari ito.
Ayon sa convenor ng grupo na si Danny Mangahas, target nilang makakuha ng 5,000,000 lagda na ipepresenta nila kay Duterte.
Sa ngayon, nakakalap na ang grupo ng 2,000 pirma, maliban pa aniya sa libu-libo pang pumirma sa kanilang website at Facebook page.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.