Aguirre: Paglilipat ng korte sa Maute-related cases naantala dahil sa Chief Justice

By Den Macaranas November 28, 2017 - 04:25 PM

Inquirer photo

Sinabi ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre na pinayuhan siya ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno na mag-tone down o maging mahinahon sa kanyang request na mailipat sa Taguig City ang Maute-related cases.

Sa kanyang pagharap sa House Justice Committee kaugnay sa impeachment hearing laban kay Sereno, sinabi ni Aguirre na naging one-on-one ang kanilang pulong ng Chief Justice sa isyu.

Naganap ang pulong noong June 19 at pinagbigyan naman niya ang pakiusap ni Sereno bilang pag-respeto sa Punong Mahistrado.

Sa kanyang naunang liham kay Sereno, sinabi ni Aguirre na gusto nilang mailipat sa Luzon o kaya ay sa Visayas ang pagdinig sa mga kaso ng mga miyembro ng Maute dahil sa isyu ng seguridad.

Pinayunan umano siya ni Sereno na gumawa ng bagong liham at sabihin na kailangang mabigyan ng pagkakataon ang mga militar na resolbahin ang naganap na gulo sa Marawi City.

Sinabi pa ni Aguirre na 50-days delayed ang naging tugon ng Chief Justice sa kanyang sulat bagay na sinalungat naman ng kampo ni Sereno.

Ayon sa mga abogado ng Chief Justice, inabot lamang ng walog araw bago nakapag-desisyon si Sereno sa request ni Aguirre.

Humaba lang umano ang proseso at umabot ng 14 na araw ang pag-uusap para sa request for reconsideration ng kalihim at dagdag na 14 na araw para naman sa paglalabas ng rekomendasyon sa hiling ni Aguirre.

Ipinag-malaki rin ng kampo ni Sereno na mali ang bintang na nagkaroon ng delay sa paglalabas ng sagot sa naging request ni Aguirre.

Nauna nang sinabi ng kalihim na hiniling nilang mailipat ang detensyon at venue ng pagdinig sa kaso ng Maute members dahil mapanganib kung gagawin ito malapit sa Marawi City.

TAGS: aguirre, Chief justice, gadon, marawi, Maute, Sereno, aguirre, Chief justice, gadon, marawi, Maute, Sereno

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.