Ikalawang araw ng debate sa EJK sa Supreme Court sumentro sa war on drugs
Kinuwestiyon ni Supreme Court Associate Justice Alexander Gesmundo ang kawalang kaso ng mga sinasabi nitong mga respondent na sangkot sa extra judicial killings sa San Andres, Maynila.
Ginawa ito ni Justice Gesmundo sa ikalawang araw ng oral argument sa Korte Suprema sa petisyon na kumukuwestiyon sa legalidad ng war on drugs.
Sa pagtatanong ni Gesmundo kay Atty. Joel Butuyan, tinanong nito kung bakit humihingi ito ng writ of amparo para proteksyunan ang kanilang klinyente pero hindi naman nito idenamanda ang mga respondent.
Aniya alam naman ng mga petitioner kung sinu-sino ang gumawa ng mga raid at kung sino ang mga biktima.
Halos kaparehong linya din ng pagtatanong si Associate Justice Noel Tijam kay Atty. Jose Manuel Diokno at kinuwestiyon ang hindi nito pagsasampa ng kasong kriminal laban sa respondent mula sa Manila Police District sa hukuman.
Naniniwala si Justice Tijam na mas praktikal at mas produktibo sa panig ng mga petitioner kung nagsampa ito ng demanda sa mga inaakusahan nilang tauhan ng MPD lalo’t may hawak naman itong mga eye witness.
Nagkakaisa naman sina Justice Tijam at Presbitero Velasco na mas nababagay ang petisyon nito para sa writ of amparo at summary hearing sa criminal liability ng mga respondent dahil hindi mandato ng Korte Suprema ang trial of facts.
Sinabi naman ni Atty. Diokno na pag-uusapan pa nila ng kanilang nga kliyente kung kailan nila sasampahan ng kaso ang mga inaakusahan nitong mga pulis.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.