Ayon sa ulat ng Reuters, naninindigan ang mga tauhan ng MPD na nanlaban umano ang mga suspek kung kaya sila napatay.
Pero sa kuha ng CCTV, makikita sa video na wala namang armas ang tatlong napatay na mga suspek.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi kinukunsinti ni Pangulong Rodrigo Duterte ang anumang uri ng brutality o pang-aabuso ng mga pulis.
Sumailalim na aniya sa beripikasyon ng Malacañang ang mga kuha ng CCTV sa pinangyarihan ng pagpatay.
Sa ngayon, hindi pa matiyak ni Roque kung aatasan ni Pangulong Duterte ang ibang ahensya ng gobyerno na magsagawa ng hiwalay na imbestigasyon.
Hindi rin matukoy ni Roque kung magkakaroon ng bearing o ikukunsidera ng pangulong ang insidente sa Maynila para muling ibalik sa PNP ang pangunguna sa war on drugs.