Larawan ng patroller sa Expressway, nakuhanan na walang ulo

Nakakita na ba kayo ng larawan ng isang lalaki na wala na nga ang ulo, kita pa ang buto sa leeg, pero buhay pa?

Yan ang naging dahilan kung bakit nangilabot ang mga kasamahan sa trabaho ng isang patroller sa isang tollway corporation.

Ayon sa source ng Radyo Inquirer, na ayaw magpabanggit ng pangalan, nagsasagawa sila ng seminar kabilang ang hindi pinangalanan patroller at habang nagseseminar ay kinuhanan sila ng larawan.

Hindi makapaniwala ang kanyang mga kasamahan at laking takot naman ng patroller na nakunan siya na walang ulo at kita pa ang buto sa leeg.

Dahil sa takot, pinayuhan ang hindi pinangalanang patroller na wagna munang pumasok sa trabaho ngayong araw.

Napag-alaman na may asawa at anak ang patroller na naninirahan sa Canlubang, Laguna.

Samantala, ipinasuri naman ng Radyo Inquirer sa isang kilalang photographer ang nabanggit na larawan.

Ayon sa photographer ng Philippine News Agency na ayaw magpabanggit ng pangalan, authentic ang larawan dahil matapos itong isalang sa photoshop, nakita na hindi edited ang date, width at length nito.

Read more...