Nabahiran ng kontrobersya ang dalawang US Based Filipino-American sa ika-28 Southeast Asian Games sa Singapore matapos mapansin ng publiko ang baligtad na watawat ng Pilipinas na nakakabit sa sports jersey ng mga ito.
Sina Eric Cray at Kayla Richardson ay kapwa nanalo ng ginto nitong Martes sa 100 meter Sprint Double event at bilang pagpapakita ng kanilang tagumpay, kapwa binitbit ng mga ito ang bandila ng Pilipinas habang nagsasagawa ng victory run.
Gayunman, naging kapansin-pansin din ang maliit na bandila sa kanang bahagi ng kanilang dibdib kung saan ang pulang ang nasa itaas na sumisimbolo na ang Pilipinas ay nasa ‘state of war.’
Si Cray , na nag-qualify para sa 2016 Olympics para sa 400m hurdles, ay lumipat upang katawanin ang Pilipinas noong 2011 samantalang si Richardson ay minsan lang bumisita sa bansa para magbakasyon.
Ilang kritiko ang bumatikos sa polisiya ng Pilipinas sa pagkuha ng mga manlalaro mula sa ibang bansa na may dugong Pinoy.
Noong 2013, sumabit din sa pagbibitbit ng watawat ng Pilipinas ang wide receiver ng Seattle Seahawks na si Doug Baldwin matapos nitong bitbitin ng baligtad ang bandila ng Pilipinas habang nananawagan ng suporta para sa mga biktima ng bagyong Haiyan o Yolanda. / Jay Dones
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.