Mga opisyal ng Metrobank pinatawan ng parusa ng BSP kaugnay sa P1.75B internal fraud
Ipinataw na ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang suspensyon matataas na opisyal ng Metropolitan Bank and Trust Co. kaugnay sa P1.75 billion na halaga ng internal fraud sa bangko noong buwan ng Hulyo.
Sa inilabas na pahayag ng BSP, kabilang sa ipinataw na parusa sa mga opisyal ng Metrobank ay ang suspensyon sa mga director at iba pang opisyal nito.
Ito ay dahil sa kabiguan umano ng mga opisyal na gampanan ang kanilang responsibilidad dahilan para magawang palihim na i-divert ang malaking halaga ng pera patungo sa ibang bank accounts sangkot ang suspek na si Maria Victoria Lopez na kanilang vice president sa Makati Head Office.
Inatasan din ng BSP ang pamunuan ng Metrobank na maglaan ng P4.45 billion sa kanilang capital para sa “higher operational risk”.
Pinagsusumite rin ang bangko ng letter of commitment para ayusin ang kanilang corporate governance, credit administration, internal controls and audit, risk management, at customer on-boarding and monitoring processes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.