Batay sa ulat, nakilala ang biktima na si Arnel Hatamosa, 37 years old, at naninirahan sa Purok 4, Barangay Catmon sa Ormoc City.
Ayon kay Senior Insp. Aldo Mendiola, hepe ng Ormoc City Police Station 2, kagagaling lamang sa trabaho ni Hatamosa nang maganap ang insidente.
Nakita umano ng biktima na naglalagay ng dekorasyon ang kanyang mga pinsan sa kanilang bahay para selebrasyon ng anibersayo ng kanilang magulang kung kaya nilapitan niya ito.
Matapos nito ay nakarinig na umano ng sigawan ang mga kapitbahay at makalipas ang ilang minuto ay nananakbong duguan na si Hatamosa palabas sa bahay ng kanyang mga pinsan.
Bigla na lamang aniyang bumulagta ang biktima sa kalsada matapos mawalan ng buhay dahil sa tinamong saksak sa katawan.
Sinabi din ni Mendiola na agad naman naaresto ang magpipinsan na sinampahan ng kasong homicide.
Nabatid na matagal nang may alitan sa pagitan ni Hatamosa at ng kanyang mga pinsan.