Pagsasara ng paliparan sa Indonesia, pinalawig pa dahil sa pagsabog ng Mount Agung

By Dona Dominguez-Cargullo November 28, 2017 - 08:28 AM

Google Photo

Pinahaba pa ang pagpapatupad ng closure sa paliparan sa Bali, Indonesia.

Ito ay kasunod ng pagbubuga ng abo ng Mount Agung volcano.

Ayon sa abiso ng aviation navigation authorities, itutuloy pa ang pagsasara ng Gusti Ngurah Rai International Airport sa loob ng susunod na 24 na oras.

Nabalutan kasi ng abo mula sa bulkan ang “aircraft flight channels” sa paliparan.

Samantala, ang Lombok International Airport naman sa Lombok, Indonesia ay binuksan na matapos isara sa magdamag.

 

 

TAGS: Bali indonesia, Gusti Ngurah Rai International Airport, Lombok Airport, Mount Agung, Bali indonesia, Gusti Ngurah Rai International Airport, Lombok Airport, Mount Agung

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.