Blogger, hinatulang makulong ng 7-taon sa Vietnam dahil sa anti-state propaganda
Hinatulang makulong ng pitong taon ang isang blogger sa Vietnam matapos nitong isulat sa kanyang website ang mga protesta laban sa naganap na chemical spill sa kanilang bansa ilang buwan na ang nakalilipas.
Napatunayang guilty sa kasong paglalabas ng anti-state propaganda ang 22-anyos na blogger na si Nguyen Van Hoa sa isang closed trial hearing kamakailan sa Ha Tinh Province.
Ayon sa rekord ng hukuman, si Hoa ay naglathala ng mga videos at nagsulat ng artikulo kaugnay sa mga protesta ng publiko laban sa naganap na chemical spill mula sa isang steel factory na pag-aari ng Taiwan sa baybayin ng central Vietnam.
Ang naturang chemical spill ang itinuturing na isa sa pinakamalalang environmental disaster sa naturang bansa na nakaapekto sa daan-daang kilometro ng baybayin at marine life dahil sa kumalat na cyanide at waste materials sa karagatan.
Ang Vietnam ay nasa ilalim ng communist regime.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.