Sa isang panayam, sinabi ni Peters na kanyang ginawa ang lahat ng kanyang makakaya ngunit sadyang hindi siya pinalad na maiuwi ang titulo.
Gayunman, masaya aniya siya at taos-pusong nagpapasalamat sa lahat ng nagbigay ng suporta sa kanya.
Dagdag pa ni Peters, hindi niya makakalimutan ang masasayang alaala bilang kalahok ng Miss Universe pageant.
Bagama’t nakapasok sa top 16 at top 10, nabigo na ang kandidata ng Pilipinas na mapabilang pa sa top 5 ng pageant kahapon.
Ipinahatid naman ni Rachel ang pagbati sa kinoronahang Miss Universe 2017 na Demi-Leigh Nel-Peters ng South Africa sa pagkapanalo nito.