Rachel Peters, nag-sorry sa mga Pinoy

By Jay Dones November 28, 2017 - 02:34 AM

 

Agad na humingi ng paumanhin si Miss Universe-Philippines candidate Rachel Peters sa mga Pinoy matapos itong mabigong makuha ang korona sa Miss Universe pageant na ginanap sa Las Vegas kahapon.

Sa isang panayam, sinabi ni Peters na kanyang ginawa ang lahat ng kanyang makakaya ngunit sadyang hindi siya pinalad na maiuwi ang titulo.

Gayunman, masaya aniya siya at taos-pusong nagpapasalamat sa lahat ng nagbigay ng suporta sa kanya.

Dagdag pa ni Peters, hindi niya makakalimutan ang masasayang alaala bilang kalahok ng Miss Universe pageant.

Bagama’t nakapasok sa top 16 at top 10, nabigo na ang kandidata ng Pilipinas na mapabilang pa sa top 5 ng pageant kahapon.

Ipinahatid naman ni Rachel ang pagbati sa kinoronahang Miss Universe 2017 na Demi-Leigh Nel-Peters ng South Africa sa pagkapanalo nito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.