Cabiao LGU sa Nueva Ecija, kinumpirma ang pagkatay sa 42,000 manok

 

Kinumpirma ng lokal na pamahalaan na nasa 42,000 manok ang kinatay noong nakaraang linggo sa isang barangay sa Cabiao, Nuweva Ecija.

Gayunman, walang maibigay na paliwanag ang provincial administrator’s office kung bakit kinailangan itong isagawa.

Ayon sa source ng Inquirer, nagmula sa isang poultry farm sa Barangay Concepcion, Cabiao ang libu-libong manok na isinalang sa ‘culling’.

Noong Agosto, aabot sa 300,000 manok ang kinatay rin ng Department of Agriculture sa bayan ng San Isidro na katabing-bayan lamang ng Cabiao at bayan ng San Luis.

Ito’y matapos tamaan ng bird flu outbreak ang poultry industry sa dalawang naturang lugar.

Gayunman, sa pagkakataong ito, tumanggi ang lokal na pamahalaan na kumpirmahin na bird flu ang dahilan ng pagpatay sa libu-libong manok sa Cabiao.

Read more...