10% buwis sa plastic surgery, pinaboran ng mga senador
Nagkasundo na ang mga Senador na ibaba sa sampung porsiyento na lamang ang ipataw na buwis sa mga cosmetic procedures o plastic surgery.
Sa ilalim ng ipinapanukalang tax reform package, unang ipinapanukala na patawan ng bente porsiyento ang buwis sa mga non-essential goods at serbisyo tulad ng cosmetic procedures at surgery.
Una nang ninais ni Senador Ralph Recto na alisin na sa kabuuan ang vanity tax ngunit kinontra ito ni Senador Franklin Drilon sa pagsasabing lalabag ito sa ‘principle of progressive taxation’.
Noong nakaraang linggo, nagkasundo na ang mga senador na alisin ang vanity tax sa naturang panukala ngunit ibinalik ito dahil sa mosyon ni Drilon.
Ang bersyon na lamang ng tax reform measure sa Senado ang hinihintay na mapagkasunduan matapos na maipasa ang bersyon nito sa Kamara.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.