Tinatayang 200,000 piso ang pinsalang idinulot ng mga umano’y myembro ng New People’s Army.
Ayon kay Lt. Col. Antonio Tumnog, commanding officer ng 1st Negros Island Geographical Battalion, kinuha rin ng 12 rebelde ang cellphones ng mga empleyado bago bombahin ang backhoe gamit ang improvised explosive device.
Ang naturang heavy equipment ay pagmamay-ari ni Barangay Councilor Raquel Siguero.
Ayon kay Tumnog, ang pag-atakeng ito ng NPA ay kanilang paraan ng pagpapakita na matatag pa rin ang mga rebelde sa rehiyon ng Negros kasunod ng kanselasyon ng usapang pangkapayaan ng gobyerno at National Democratic Front.