Abad at Singson isinailalim sa lookout bulletin ng DOJ

By Alvin Barcelona November 27, 2017 - 05:57 PM

Inilagay na sina dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Rogelio Singson at Department of Budget and Management (DBM) Secretary Florencio “Butch” Abad sa Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) ng Department of Justice (DOJ).

Kaugnay ito ng pagkakasangkot ng dalawang dating opisyal sa P8.7 Billion na road-right-of way scam sa General Santos City.

Kasama rin sa lLBO ang 40 iba pang personalidad kabilang ang sinasabing mga pasimuno ng sindikato na sina Wilma Mamburam, Col. Chino Mamburam, Mercedita Dumlao at Nelson Ti na sinasabing financier ng grupo na sinasabing malapit kay Dating Pangulong Noynoy Aquino III.

Sa apat na pahinang ILBO na pirmado ni DOJ Secretary Vitaliano Aguirre II, inaatasan din ng kagawaran ang mga immigration officer na maging alerto sakaling makita ang mga nasabing personalidad sa mga seaport at airport.

Iniutos din ng DOJ sa B.I na makipag-ugnayan sa National Bureau of Investigation (NBI) para kumalap ng karagdagang impormasyon kaugnay ng mga nasabing indibidwal.

TAGS: ABAD, aguirre, DOJ, lookout bulletin, NBI, right of way scam, singson, ABAD, aguirre, DOJ, lookout bulletin, NBI, right of way scam, singson

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.