Mga abogado ni Sereno at isang CHR official inakusahan ng pambabastos sa Kamara

By Den Macaranas November 27, 2017 - 04:08 PM

Inquirer photo

Dahil sa pambabastos sa pagdinig ng House Justice Committee ay posibleng maharap sa contempt citation ang dalawang abogado ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno kasama ang isang opisyal ng Commission on Human Rights (CHR).

Sinabi ni House Deputy Speaker Gwen Garcia na tinawag nina Atty. Aldwin Salumbines at Joshua Santiago na “dog and pony show” ang pagdinig ng nasabing komite ng sila ay humarap sa magkahiwalay na media interview.

Hindi umano nila papayagan na bastusin ng kahit na sinuman ang pagdinig ng House Justice Committee kaugnay sa kinakaharap na impeachment complaint ng Chief Justice.

Sa pagpapatuloy ng pagdinig sa Kamara, binatikos naman ni SAGIP Partylist Rep. Rodante Marcoleta si CHR Commissioner Roverto Cadiz makaraan niyang sabihin na parang pagdinig sa kagubatan ang nagaganap sa Kamara.

Kaugnay nito, binigyan ni House Justice Committee Chairman Reynaldo Umali sina Cadiz, Santiago at Salumbines ng 72-oras para magbigay ng paliwanag kung bakit hindi sila dapat bigyan ng contempt citation.

Muli ring hinimok ng komite ang kampo ni Sereno na humarap ang Chief Justice sa kanilang pagdinig imbes na magbigay ng mga pahayag sa media hingil sa nasabing isyu.

TAGS: CHR, contempt, Garcia, marcoleta, Sereno, CHR, contempt, Garcia, marcoleta, Sereno

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.