Anti-LGBT legislator nahuling nakikipagtalik sa kapwa lalaki sa Ohio

By Den Macaranas November 27, 2017 - 04:05 PM

AP

Nagbitiw sa kanyang posisyon si Ohio Congressman Wes Goodman makaraan siyang mahuli na nakikipagtalik sa kanyang kapwa lalaki sa loob ng kanyang opisina.

Si Goodman na isang Republican ay nahalal sa posisyon noong nakalipas na taon lamang ay kilala bilang isang anti-LGBT advocate.

Sa kanyang mga social media post ay kanyang inihahayag ang kanyang Christian faith at ang pagbatikos sa same-sex relationship.

Ang kanyang asawa ay ang pinuno ng annual anti-abortion rally na kilala sa tawag na March for Life.

Ang ulat ng pagbibitiw sa pwesto ni Goodman ay nakarating na sa tanggapan ni House Speaker Cliff Rosenberger.

Sa kanyang maiksing tugon, sinabi ni Rosenberger na umamin sa kanya si Goodman hingil sa nasabing insidente at ito umano ang dahilan ng kanyang pagbibitiw bilang kinatawan sa legislative body.

Simula noong nakaraang linggo ay naka-private mode na rin ang lahat ng mga social media accounts ng dating mambabatas.

Ito ay kasunod ng mga patutsada sa kanya ng mga miyembro ng LGBT makaraan ang nabunyag na pakikipag-relasyon niya sa isang kapwa lalaki.

TAGS: legislator, LGBT, ohio, republican, wes goodman, legislator, LGBT, ohio, republican, wes goodman

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.