Iconic Mikimoto Crown muling ginamit sa 66th Miss Universe Pageant
Ibinalik ang Phoenix Mikimoto Crown sa 66th Miss Universe na ginanap sa Planet Hollywood sa Las Vegas Nevada.
Sa katatapos na pageant, hindi halos pansin na iba ang disenyo ng koronang ipinutong ni Miss Universe 2016 Iris Mittenaere sa bagong Miss Universe na si Miss South Africa Demi-Leigh Nel-Peters.
Ang nasabing korona ay gawa ng Mikimoto Pearl Island ng Japan na isa sa mga sponsor ng pageant na unang isinuot ni Miss Russia Oxan Fedorova noong 2002.
Ibinalik naman ito noong 2009 nang manalo ang beauty queen mula sa Venezuela na si Dayana Mendoza na nagsalin naman ng bagong korona sa kapwa taga Venezuela.
Gayunman, si Mendoza ang huling nagsuot ng Mikimoto crown dahil ang isinalin niya kay Stefania Fernandez.
Ayon naman kay Miss Universe Organization President Paula Shugart, marami ang humihiling na ibalik ang Phoenix Mikimoto Crown na siyang nakita ngayong kay Nel-Peters.
Pero for the record, si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang nakapag-suot ng dalawang disenyo ng korona ng pageant ang iconic na New York City Skyline Crown at ang Mikimoto Crown na isinuot niya sa isang pictorial.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.