Balak ni Philippine National Police Chief Ronald Dela Rosa na magtayo ng isang vigilante group kasunod ng kanyang pagreretiro sa pwesto sa Enero 2018.
Sa kanyang talumpati sa anibersaryo ng Quezon City Police District, sinabi ni Dela Rosa na hindi matatapos sa kanyang mandatory retirement ang pagbanat niya sa mga tinaguriang “ninja cops” o yung mga nagre-recycle ng droga.
“Pwede naman akong mag-retiro sa Davao City o makulong sa pagbaba ko sa pwesto”, ayon pa sa opisyal.
Sinabi pa ni Dela Rosa na baka ngayon lang may mangyarina isang retired 4-star general ng PNP ang makikipag-barilan sa mga pasaway na alagad ng batas.
Bago ang kanyang pagreretiro, umaasa rin ang opisyal na muling maibabalik sa PNP ang pangunguna sa war on drugs ng pamahalaan.
Kahit kailan umano sila sabihan ng pangulo ay handa ang mga buong pwersa ng PNP na tumalima sa kampanya kontra sa iligal na droga.