Dalawang mahistrado ng Korte Suprema, handang humarap sa Sereno impeachment hearing

By Dona Dominguez-Cargullo November 27, 2017 - 12:53 PM

Nagpahayag ng kahandaan ang dalawang mahistrado ng Korte Suprema na dumalo sa impeachment proceedings ng kamara laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Sina Associate Justices Teresita de Castro at Noel Tijam ay kapwa nagsumite ng kanilang reply sa ipinadalang imbitasyon ng house justice committee.

Sa kanilang liham, sinabi ng dalawang mahistrado na nakahanda sila na dumalo sa pagdinig sa sandaling makakuha ng clearance mula sa Supreme Court en banc.

Bukas araw ng Martes, magco-convene ang en banc ng Korte Suprema at doon malalaman kung makakakuha ng clearance ang dalawa.

Samantala, humarap naman sa pagdinig si Jomar Canlas na reporter ng pahayagang Manila Times.

Si Canlas ang unang pinangalanan ng complainant na si Atty. Larry Gadon na pinagkunan niya ng impormasyon hinggil sa mga reklamo niya laban kay Sereno.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: chief justice maria lourdes sereno, Impeachment complaint, noel tijam, teresita de castro, chief justice maria lourdes sereno, Impeachment complaint, noel tijam, teresita de castro

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.