Ang orihinal na tanong, nilagyan ng twist at ikinonek sa problema sa MRT at LRT.
Ang humor blogger na si “Professional Heckler” ang nanguna ng thread sa twitter at nag-post ng tanong na “What quality in yourself are you most proud of and how will you apply that quality to your time as an LRT or MRT passenger?
Agad inulan ng kasagutan sa twitter ang nasabing tanong.
Ayon kay Riki FLores-Reyes, ‘resilient’ ang kaniyang katangian dahil sa kabila ng hirap na nararanasan sa pagsakay sa MRT at LRT ang mga Pinoy ay sadyang masayahin.
“Patience” at “balance” naman ang sagot ng iba dahil kailangan anila ito lalo na kung maglalakad sa riles kapag may nasirang tren.
Pagiging “creative” naman ang sagot ng iba at anila, dahil laging delay ang biyahe ng mga tren, kailangang maging creative sa pagbibigay ng dahilan kung bakit late sa trabaho.
Ayon naman sa isa sa mga nag-tweet, ‘ganda’ lang ang kaniyang katangian na kailangang baunin sa pagsakay sa MRT.