Pagbibigay ng libreng sakay ng mga driver ng ‘Angkas’ sa mga pasahero ng MRT, pinigil ng MMDA
Pinagbawalan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang app-based motorcycle hailing service na ‘Angkas’ na magbigay ng libreng sakay sa mga pasahero ng MRT-3.
Ayon kay MMDA spokesperson Celine Pialago, kailangan munang kumuha ng prangkisa o permit ang mga driver ng Angkas para maipagpatuloy ang nasabing aktibidad.
Plano ng Angkas drivers na magbigay ng libreng sakay sa mga pasahero ng MRT simula alas singko ng umaga hanggang alas otso ng umaga tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes.
Ayon sa mga driver ng Angkas, na nagbibigay din ng libreng helmet, kaya nilang bumiyahe simula North Avenue Station sa Quezon City hanggang Ayala Station sa Makati City sa loob lamang ng 25 hanggang 30 minuto.
Ngayon ay pansamantalang ipinatigil ng MMDA ang aktibidad ng Angkas hangga’t hindi pa sila nakakakuha ng permit.
Una nang pinayagan ng MMDA ang P2P o point to point buses na magbigay ng libreng sakay sa mga pasahero ng MRT.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.