Rachel Peters, bigong makapasok sa final 5 ng 66th Miss Universe pageant
By Dona Dominguez-Cargullo November 27, 2017 - 10:23 AM
Bigo nang makapasok ang pambato ng Pilipinas sa top 5 ng 66th Miss Universe Pageant.
Pagkatapos ng evening gown competition, mula sa sampu ay pinili ang limang kandidata na aabante sa kompetisyon.
Kabilang sa top 5 ang mga kandidata mula sa sumusunod na bansa:
- South Africa
- Venezuela
- Thailand
- Jamaica
- Colombia
Hindi rin nakapasok sa top 5 ang pambato ng Amerika.
Maglalaban-laban ang lima sa question and answer portion ang limang napili at pagkatapos ay pipiliin na ng top 3.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.