BJMP, nagsagawa ng Oplan Greyhound sa Antipolo City jail
By Jan Escosio November 27, 2017 - 09:57 AM
Dalawang oras na ginalugad ng mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang Antipolo City jail.
Nakasama ng BJMP sa isinagawang Oplan Greyhound ang mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Antipolo City Police at mga K9 unit.
Pinalabas muna ang mga preso at saka isa-isang hinalughog ang bawat selda.
Nasa 1,200 ang preso sa Antipolo City jail.
Matapos ang dalawang oras na paghalughog, wala namang nakuhang kontrabando mula sa mga selda.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.