Pilipinas, pasok sa top 16 ng 66th Miss Universe pageant

By Dona Dominguez-Cargullo November 27, 2017 - 09:14 AM

Napili na ang mga kandidatang pasok sa top 16 sa nagpapatuloy na coronation night ng 66th Miss Universe sa Planet Hollywood sa Las Vegas.

Magkakasunod na tinawag ang tig-aapat na mga kandidata mula sa tatlong grupo na hinati-hati sa Rehiyon.

Mula sa Asia Pacific and Africa, pasok sa top 16 ang mga sumusunod na kandidata:

  • Thailand
  • Sri Lanka
  • Gana
  • South Africa

Mula naman sa Europe Region, pasok sa top 16 ang mga sumusunod na kandidata:

  • Spain
  • Ireland
  • Croatia
  • Great Britain

Mula sa The Americas, pasok sa top 16 ang mga sumusunod na kandidata:

  • Colombia
  • USA
  • Brazil
  • Canada

Pasok din sa top 16 ang pambato ng Pilipinas na si Rachel Peters matapos na makapasok sa wild card.

Sa maiksing panayam sa kaniya ni Steve Harvey sinabi ni Peters na karangalan na katawanin niya ang bansa sa Miss Universe, at masaya siya sa suporta ng sambayanang Pilipino.

Kabilang sa nakapasok sa wild card ang mga sumusunod:

  • Philippines
  • Venezuela
  • Jamaica
  • China

Ang nasabing mga kandidata ay maglalalaban-laban sa swimsuit at evening gown bago muling kumuha ng top 10, top 5 at top 3.

 

 

 

 

 

TAGS: final 16, miss universe, Miss Universe Pageant, philippines, Radyo Inquirer, Top 16, wild card, final 16, miss universe, Miss Universe Pageant, philippines, Radyo Inquirer, Top 16, wild card

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.