Paraan ng pagpili ng top 16 sa Miss Universe, binago

By Dona Dominguez-Cargullo November 27, 2017 - 08:23 AM

Usap-usapan ang pagbabago sa paraan ng pagpili sa Top 16 sa Miss Universe.

Sa panibagong format, ang 92 contestants ay mahahati sa tatlong grupo: “The Americas; “Europe”; at ikatlo ang Asia-Pacific and Africa.

Sa tatlong grupo, pipili ng tig-aapat na kandidata.

Kapag nakakuha ng labingdalawa, kukuha pa ng apat na wildcard.

Ang top 16 na nakuhang kandidata ang maglalaban-laban sa swimsuit competition at mula sa swimsuit ay magiging 10 na lang ang mga kandidata na maghaharap sa evening gown competition.

Mula 10 kukuha ng Top 5 na maglalaban-laban sa Q&A portion at tatlo naman ang maiiwan para sa final question.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: miss universe, Pageant, Radyo Inquirer, Top 16, miss universe, Pageant, Radyo Inquirer, Top 16

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.