Dahil sa agawan sa kakantahin sa videoke, lalaki arestado sa pagwawala sa bar sa QC

By Mark Gene Makalalad November 27, 2017 - 07:45 AM

Arestado ang isang lalaki matapos magwala sa isang bar sa Kamias Road sa Brgy. Pinyahan sa Quezon City.

Sa kulungan ang bagsak ni Emilio Colambo, 26-anyos habang nakatakas naman ang nakaaway nito na si alyas “Negro”.

Kwento ng kusinero at waiter ng KTV Bar na si Rodel Sivino, nag-ugat ang gulo makaraang bigong makakanta si Colambo.

Natyempo kasi na hawak ni Alyas Negro ang mikropono at kakanta ito ng “Kasalanan” ng 6 Cyclemind. Nagkataon naman na ito rin pala ang kanta na gustong kantahin ni Colambo.

Nang hindi mapagbigyan, nagkasigawan ang dalawa at dumampot ng bote si Colambo at hinampas sa lamesa.

Tumalsik ang mga piraso ng bote at nasugatan sa kamay ang waiter.

Habang tumatakas naman si alyas Negro, pinagbabato pa nito ang babasaging pinto ng beer house.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: 6 Cyclemind, Kasalanan, quezon city, resto bar, videoke bar, 6 Cyclemind, Kasalanan, quezon city, resto bar, videoke bar

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.