Biyahe ng MRT maagang nagka-aberya

Maagang nakaranas ng aberya sa biyahe ang mga pasahero ng Metro Rail Transit (MRT).

Alas 6:17 ng umaga, nagpababa ng mga pasahero sa bahagi ng Cubao southbound.

Ito ay makaraang makaranas ng technical problem ang isa sa mga tren.

Sa abiso ng MRT ngayong umaga ng Lunes, labingdalawa ang pinabiyaheng mga tren.

Kahapon, Nov. 26, pahinga sa aberya ang MRT.

Pero noong araw ng Sabado, Nov. 25, dalawang beses nakapagtalaba ng aberya sa tren.

 

 

 

Read more...