Metro Manila, apektado na ang Amihan
Tatlong weather system ang naka-aapekto sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Ayon sa PAGASA, ang Northeast Monsoon o Amihan ay naka-aapekto sa Northern at Central Luzon.
Dahil sa Amihan, ang Metro Manila, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley at Central Luzon ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin ngayong araw na mayroong isolated na pag-ulan.
Samantala, Easterlies naman ang umiiral sa Southern Luzon at sa Eastern Visayas. Maghahatid ito ng kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Bicol Region, Eastern Visayas at sa lalawigan ng Quezon.
Habang ang buong Mindanao din ay makararanas ngayong araw ng pag-ulan dahil sa Intertropical Convergence Zone o ITZC.
Ayon sa PAGASA sa susunod na dalawang oras ay magiging maganda ang mararanasang panahon sa bansa at wala ring bagyo o sama ng panahon na nagbabadyang pumasok sa Philippine Area of Responsibility.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.