Mahigit 176% na pagtaas sa kaso ng dengue, naitala sa Quezon City

By Jong Manlapaz September 18, 2015 - 07:57 PM

Dengue_1Tumaas ng mahigit 176 % ang kaso ng dengue sa Quezon City kumpara noong nakaraang taon.

Batay sa datos ng Quezon City Health Department mula January 1 hanggang September, 2015, umabot na sa 3,054 ang kaso ng dengue sa lungsod na mas mataas kumpara sa parehong petsa noong nakaraang taon na 1,103 lamang ang naitala.

Tumaas din ang bilang ng mga namatay dahil sa sakit na dengue sa Quezon City, na umabot na sa 19, mas mataas kumpara sa 10 lamang noong buong taon ng 2014.

Karamihan sa mga nagkasakit ng dengue ay may edad na 1 taon hanggang 20 taon gulang habang karamihan sa mga nasawi ay nasa idad na isa hanggang 10 taon.

Nangunguna ang District 5 ng Quezon City sa may pinakamaraming kaso ng dengue sa bilang na 1,005, sinudan ng District 2 na may 607 dengue cases at pangatlo ang District 6 na 468.

Samantala, nakapagtala na rin ang Quezon City Health Deptartement ng kaso ng hand, foot and mouth disease sa lungsod.

Ayon kay Marcial Jordan ng surveilance unit ng QCHD, simula January ngayon taon hanggang ngayong buwan ng Sepyembre umabot na sa 35 ang naitalang kaso ng hand, foot and mouth disease.

Sa kabila sa mababang bilang ng nagkakasakit ng HFMD aminado si Jordan na marami ang pinipili na hindi na lamang magpatingin dahil kusa naman umanong gumagaling ang sakit.

Sinabi pa ni Jordan na kadalasan sa mga nagkakasakit ay mga bata na may edad 5 pababa.

Kabilang sa sintomas ng HFMD ang pagkakaroon ng butlig sa mga kamay at paa at mga singaw sa bibig na minsan ay nagdudulot ng lagnat.

Payo ng QCHD, palagiang palakasin ang immune system sa pamamagitan ng pagkain ng masustansyang pagkain at pagtulog sa tamang oras, dahil nakakahawa ang sakit na pwedeng tumagal ng pito hanggang sampung araw.

Hindi naman delikado ang sakit pero maaari itong mauwi sa dehydration dahil ang tinutubuan ng singaw ay nahihirapang kumain at uminom.

TAGS: dengue cases in quezon city, hand and foot mouth disease, dengue cases in quezon city, hand and foot mouth disease

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.