Bangsamoro Assembly, kasado na

By Kabie Aenlle November 27, 2017 - 03:42 AM

 

Kasado na ang lahat ng kailangan para sa gaganaping Bangsamoro Assembly ngayong araw sa pagitan ng mga kinatawan ng pamahalaan at ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Maguindanao.

Naka-posisyon na ang mga tauhan ng Bangsamoro Islamic Armed Forces ng MILF, pati na ng 603rd Brigade ng Philippine Army sa pagdarausan nito sa Barangay Simuay sa nasabing bayan.

Ayon kay Bangsamoro Transition Commission chairman at MILF first vice chairman Ghadzali Jaafar, kabilang si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga inaasahan nilang dadalo sa assembly.

Maliban kay Duterte, inaasahan din na pupunta ang ilang kinatawan ng mga embahada ng member-states ng Organization of Islamic Cooperation upang masaksihan ang pangyayari.

Kinumpirma naman ni Jaafar ang pagpunta ni Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza.

Tatlong beses nang naudlot ang Bangsamoro Assembly, at ang pinakahuling itinakdang schedule sana para dito ay noong November 3 hanggang 4.

Gayunman, masyadong abala noong mga panahong iyon si Pangulong Duterte dahil sa pagdaraos naman ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.