Abu Sayyaf, nasa likod ng bus bombing sa Zamboanga City
Ang grupong Abu Sayyaf ang nasa likod ng pagpapasabog sa isang bus sa Zamboanga City na ikinasawi ng isa at ikinasugat ng mahigit 30 iba pa.
Ayon kay Col. Nixon Fortes, commander ng Task Force Zamboanga, pangingikil ang motibo ng ng pagpapasabog.
Una nang sinabi ng isa sa may-ari ng Biel Transport na si Pamela Rose na noong nakaraang linggo ay nakatanggap na sila ng extortion letter. Halagang P500,000.00 o P20,000.00 kada buwan ang hinihingi umano ng mga grupong nagpadala sa kanila ng sulat.
Ang Biel Transport ay isang family corporation.
Samantala, kinilala ni Zamboanga City Mayor Beng Climaco ang nasawi sa pagsabog na si Fatima Imbriada, 14-anyos.
Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang joint task group ng Zamboanga sa insidente.
Napalabas na rin ng P200,000 na reward ang City Government para sa mabilis na ikadarakip ng suspek.
“The explosion of Biel bus that injured 33 and killed 14-year old Fatima Imbriada is an act of injustice to innocent civilians. Police JTGZ is taking the lead in investigating this act of Extortion in order to bring justice. The City Government has provided immediate emergency assistance to victims.,” ayon kay Climaco.
Kasabay nito ay nanawagan si Climaco sa publicko partikular sa mga bus companies nas magpatupad ng mahigpit na pag-iinspeksyon sa kanilang mga terminals at pasahero.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.