Sa kanilang advisory, sinabi ng DOE na posibleng madagdagan ng hanggang trenta sentimos (P0.30) ang presyo ng kada litro ng diesel.
Bente sentimos (P0.20) naman ang posibleng itaas ng kerosene.
Samantala, posibleng bumaba ng sampung sentimo (P0.10) kada litro ang presyo ng gasolina.
Ayon sa Department of Energy, ang paggalaw ng presyo ng mga produktong petrolyo ay epekto ng international oil trading noong nakaraang linggo.
Sa pinakahuling tala ng Kagawaran, nasa pagitan ng P35.80 hanggang P40.85 ang presyo ng kada litro ng diesel.
Samantalang P43.50 hanggang P53.36 naman ang presyo kada litro ng gasolina.