Bahagyang dagdag-bawas sa produktong petrolyo, ipatutupad ngayong linggo

By Jay Dones November 27, 2017 - 03:37 AM

 

May pagtaas sa presyo ng diesel ngayong linggong ito samantalang bababa naman ng bahagya ang presyo ng iba pang produktong petrolyo, ayon sa Department of Energy.

Sa kanilang advisory, sinabi ng DOE na posibleng madagdagan ng hanggang trenta sentimos (P0.30) ang presyo ng kada litro ng diesel.

Bente sentimos (P0.20) naman ang posibleng itaas ng kerosene.

Samantala, posibleng bumaba ng sampung sentimo (P0.10) kada litro ang presyo ng gasolina.

Ayon sa Department of Energy, ang paggalaw ng presyo ng mga produktong petrolyo ay epekto ng international oil trading noong nakaraang linggo.

Sa pinakahuling tala ng Kagawaran, nasa pagitan ng P35.80 hanggang P40.85 ang presyo ng kada litro ng diesel.

Samantalang P43.50 hanggang P53.36 naman ang presyo kada litro ng gasolina.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.