Sa kanyang keynote speech sa pagpupulong ng nasa 41 lider ng iba’t ibang Muslim countries sa Riyadh, Saudi Arabia, nangako si crown Prince Mohammed bin Salman na lilipulin ang terorismo sa lalong madaling panahon.
Si Prince Salman na siya ring defense minister ng Saudi Arabia ang nagsilbing punong-abala sa kauna-unahang Islamic Counter-terrorism Coalition meeting.
Ito ang kauna-unahang kowalisyon ng mga Muslim countries na layuning pag-isahin ang puwersa ng bawat isang bansa upang labanan ng terorismo.
Karamihan sa mga miyembro ng samahan ay mula sa Sunni-majority na bansa.
Kabilang na dito ang mga bansang Afghanistan, Bahrain, Lebanon, Libya, Somalia, Turkey, at Uganda, United Arab Emirates, Yemen at Egypt.
Nito lamang Byernes, hindi bababa sa 300 katao ang nasawi sa pag-salakay ng mga armadong terorista sa isang mosque sa Bir al-Abed.
Hindi naman kalahok sa organisasyon ang Iran, Syria at Iraq na dominado ng mga Shiite Muslim.