Islamic Alliance; Saudi crown prince, nangakong lilipulin ang terorismo

By Jay Dones November 27, 2017 - 01:34 AM

 

Nangako ang crown prince ng Saudi Arabia na hahabulin ang mga miyembro ng Islamic State at iba pang mga terror groups na naghahasik ng gulo at takot sa lipunan.

Sa kanyang keynote speech sa pagpupulong ng nasa 41 lider ng iba’t ibang Muslim countries sa Riyadh, Saudi Arabia, nangako si crown Prince Mohammed bin Salman na lilipulin ang terorismo sa lalong madaling panahon.

Si Prince Salman na siya ring defense minister ng Saudi Arabia ang nagsilbing punong-abala sa kauna-unahang Islamic Counter-terrorism Coalition meeting.

Ito ang kauna-unahang kowalisyon ng mga Muslim countries na layuning pag-isahin ang puwersa ng bawat isang bansa upang labanan ng terorismo.

Karamihan sa mga miyembro ng samahan ay mula sa Sunni-majority na bansa.

Kabilang na dito ang mga bansang Afghanistan, Bahrain, Lebanon, Libya, Somalia, Turkey, at Uganda, United Arab Emirates, Yemen at Egypt.

Nito lamang Byernes, hindi bababa sa 300 katao ang nasawi sa pag-salakay ng mga armadong terorista sa isang mosque sa Bir al-Abed.

Hindi naman kalahok sa organisasyon ang Iran, Syria at Iraq na dominado ng mga Shiite Muslim.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.