CPP founder Joma Sison, bukas pa rin sa usaping pangkapayapaan

By Justinne Punsalang November 26, 2017 - 08:59 PM

 

Bukas pa rin sa muling pagbubukas ng usaping pangkapayapaan si Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Maria Sison bagaman sinabi na ng pangulong hindi na siya makikipag-usap sa mga rebeldeng grupo.

Ani Sison, nang ihinto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang peace talks, handa na ang dalawang panig na pirmahan ang mga dokumentong patungkol sa socio-economic reform at ceasefire agreement.

Sinabi rin ni Sison na hindi niya hahayaang magkaroon ng pagkakataon ang pangulo na mapatay o maaresto siya.

Itinanggi naman ni Sison ang mga paratang ng pangulo na nais nila na magkaroon ng ‘coalition government.’ Paglilinaw pa ng lider ng CPP, mismong si Duterte ang nag-offer nito sa kanila simula pa noong 2017.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.