22 katao, sugatan dahil sa pagguho ang sahig ng isang club sa Spain

By Justinne Punsalang November 26, 2017 - 08:02 PM

 

File photo

Sugatan ang 22 katao matapos gumuho ang sahig ng isang nightclub sa Tenerife island sa Spain kaninang madaling araw.

Ayon sa mga otoridad, tinatayang isang palapag ang ihinulog ng mga biktima na nagresulta sa kanilang natamong fracture at pasa sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Kabilang sa mga sugatan ang dalawang French national, isang Belgian national, at isang Romanian.

Matapos matanggap ang ulat tungkol sa aksidente, agad na dumating ang rescue team at mga bumbero na silang kumuha sa mga biktima, kabilang ang dalawang kritikal ang kundisyon.

Kasalukuyan pang iniimbestigahan ng mga pulis ang aksidente.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.