9 taong gulang na lalaki, patay makaraang masagasaan ng truck sa Batangas

Nasawi ang isang siyam na taong gulang na bata matapos masagasaan ng trailer truck sa Calatagan, Batangas.

Kinilala ng mga pulis ang biktima na si Elmar de Torres, residente ng Sitio Lipatan, Barangay Lucsuhin.

Ayon sa pulisya, nahulog si De Torres sa sinasakyang mountain bike nang masagasaan ng dumaan na truck malapit sa kanyang bahay.

Agad na binawian ng buhay ang biktima matapos ang aksidente na naganap bandang alas dose ng tanghali noong nakaraang Huwebes.

Sumuko na ang driver ng truck na nakilalang si Vicvic Buella.

Nahaharap ngayon si Buella sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.

Read more...