Alternative Learning System program ng DepEd, palalakasin pa

By Justinne Punsalang November 26, 2017 - 04:13 PM

Nangako si Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones na palalakasin at palalawigin pa ng kagawaran ang alternative learning system (ALS) program nito.

Sa isang pahayag, sinabi ni Briones na mahalaga ang ALS dahil sa pamamagitan nito ay posibleng magkahabaol sa formal education system ang mga taong na-antala sa pag-aaral.

Noong Setyembre ay inilunsad ng DepEd ang bagong K to 12 na nakahanay na sa ALS curriculum para madaling makalipat mula sa formal papuntang nonformal education ang mga nasa ilalim ng programa.

Bukod sa ALS, nangako rin si Briones na ipagpapatuloy ng kagawaran ang iba’t ibang welfare programs, kabilang ang edukasyon para sa mga katutubo, special education (SPED), at school-based feeding program.

Para sa school year 2016-2017, halos tatlong milyong mga katutubo na ang nasa ilalim ng National Indigenous Peoples Education Policy Framework .

Sa ngayon, pasok na sa SPED program ng DepEd ang edukasyon para sa mga visually at hearing impared, may mga intellectual at physical disability, autism, communication disorder, emotional and behavioral disorder, maging ang mga orthopedically handicapped at may chronic illness, at mga ikinukunsiderang gifted and talented.

Ayon pa kay Briones, tututukan rin ng DepEd ang kampanya nito para sa pagprotekta sa mga kabataan sa pamamagitan ng pag-monitor ng mga kaso ng pang-aabuso sa mga bata. Ito ay kaugnay ng Anti-Bullying Act of 2013 na pumuprotekta sa mga kabataan laban sa bullying at cyber-bullying.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.