Una nang naghain ng petisyon sa Korte Suprema si Congressman John Bertiz para ipatigil ang implementasyon ng P836-million 5-years Driver’s License Project ng LTO sa paniwalang “unconstitutional” at halatang minanipula ang bidding process ng naturang proyekto.
Ito’y dahil malaki aniya ang pinagkaiba ng halaga na inalok sa ahensiya ng DERMALOG-NETTIX-CFP na aabot lamang sa mahigit 829 million pesos kumpara sa inaalok naman ng ABC na aabot sa mahigit 836 million pesos.
Sabi ng kongresista, bagaman suportado niya ang naturang proyekto na isinusulong ni Pangulong Rodrigo Duterte ay naniniwala naman siyang hindi ito maghahatid ng ginhawa sa publiko dahil sa anumalya.
Hindi umano siya makapapayag na manahimik na lamang sa isyu ng sabwatan ng ilang mga tiwaling opisyal ng gobyerno at pribadong sector gamit ang salapi ng taumbayan.
Nabatid na una nang nagsumite ng bid sa mas mababang halaga ang DERMALOG with NETFIX at CFP(JV) pero sila ay nadiskwalipika sa hindi malinaw na dahilan.
Dagdag pa nito na malulugi ang gobyerno ng P79 million kapag pinayagan aniya ang proyektong ito na maituloy.