Umiiral na amihan sa bansa, bahagyang humina ayon sa PAGASA
Bahagyang humina ang umiiral na northeast monsoon o hanging amihan sa bansa.
Ayon sa PAGASA, inaasahan na muling lalakas ang amihan sa Martes o Miyerkules, at posibleng umabot pa ito hanggang sa Metro Manila.
Ang amihan ang nagdadala ng malaming na hangin tuwing pumapasok ang Christmas season.
Samantala, sinabi ng PAGASA na makararanas ng mga pag-ulan ang silangan bahagi ng Northern Luzon ngayong araw.
Ito aniya ay dahil sa tail end of a cold front.
Dahil naman sa intertropical convergence zone (ITCZ), makakaranas ng mga pag-ulan at thunderstorms ang ilang bahagi ng Visayas at Mindanao.
Sa ngayon, sinabi ng PAGASA na wala pang binabantayan na bagong bagyo o low pressure area sa bansa, pero inaasagang nasa isa hanggang dalawang sama ng panahon ang papasok bago matapos ang taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.