Huling araw ng 2017 bar exams sa UST, dinumog

By Mariel Cruz November 26, 2017 - 10:42 AM

INQUIRER FILE PHOTO

Sa huling araw ng bar examinations, dumagsa ang mga kumukuha ng pagsusulit sa University of Santo Tomas sa Maynila.

Alas kwatro pa lamang ng madaling araw at nagtipon-tipon na ang mga examinee sa harap ng UST.

Ayon sa Public Information Office ng Supreme Court, nagsimulang magsipasukan sa UST ang mga bar examinee kaninang alas singko ng madaling araw.

Ngayon araw naka-schedule ang examination para sa huling subject kabilang na ang Remedial Law at Legal Ethics.

Aabot sa kabuuang 7,227 ang bar examinees ngayong taon pero 6,959 lamang ang nagpatuloy matapos ang unang pagsusulit noong November 5.

Ngayon ay nasa 6,750 na aplikante na lamang ang tumuloy sa pagkuha ng examination hanggang sa huling araw.

Pero mas mataas pa rin ito kung ikukumpara sa rekord noong 2016.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.