Mt. Agung sa Bali, Indonesia muling pumutok

AP PHOTO

Naitala na naman ang muling pagputok ng Mt. Agung sa Bali, Indonesia gabi ng Sabado.

Ito na ang ikalawang beses na pumutok ang bulkan, makalipas ang isang linggo.

Dahil dito, ilang biyahe ng eroplano ang napilitang mag-iba ng ruta para makaiwas na dumaan sa ibabaw ng bunganga ng bulkan.

Pero ayon sa Indonesia Disaster Mitigation Agency, nananatili naman ligtas ang turismo sa Bali, maliban na lamang sa danger zonesa paligid ng Mt. Agung.

Wala pa rin aniyang naitatala na iba pang seismic at volcanic activity matapos ang unang pagputok ng bulkan noong Martes at kagabi.

Bukod dito, hindi pa rin nababago ang emergency ng Mt. Agung na una unang itinaas sa level 3.

Nanawagan naman ang ahensya sa publiko na maging kalmado sa kabila ng pangyayari.

Aabot sa 25,000 na residente na naninirahan malapit sa paanan ng bulkan ang inilikas na sa mas ligtas na lugar.

Ang nasabing pagputok at nagresulta ng mas malaking ash cloud, kumpara noong Martes.

Read more...