Senado, bukas na makipag-usap sa mga rebelde
Matapos wakasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang usaping pangkapayapaan sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front of the Philippines (CPP-NPA-NDF), sinabi ni Senate President Aquilino Pimentel III na bukas naman ang Senado na magkaroon ng ‘unofficial’ negotiations kasama ang rebeldeng grupo.
Ani Pimentel, handa ang Senadong maging tulay para sa pag-uusap sa pagitan ng pamahalaan at ng komunistang grupo. Aniya, para sa kanya, hindi dapat tuluyang itigil ang usaping pangkapayapaan sa pagitan ng dalawa.
Bagaman ito ang naging pahayag ni Pimentel ay sinabi naman niya na niintindihan niya kung bakit tinigil na ng pangulo ang peace talks sa grupo.
Aniya, nagalit si Duterte dahil sa patuloy na pag-atake ng NPA sa mga tropa ng pamahalaan sa mga lalawigan, na nagreresulta sa pagkamatay ng mga miyembro ng militar at pulisya.
Hindi rin sangayon si Pimentel sa pagtawag ng mga kritiko ng pangulo na tila isang diktador ito sa pagtigil ng usaping pangkapayapaan.
Aniya, may basehan ang naging disiyon ng pangulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.