Ejercito, umaasang bumalik ang Sumitomo sa pag-mintena ng MRT

By Justinne Punsalang November 26, 2017 - 04:19 AM

Umaasa pa rin si Senador JV Ejercito na babalik ang Sumitomo Corp. sa pagmi-mintena ng MRT-3.

Sa isang panayam, sinabi ni Ejercito na siya ring chairman ng Senate committe on urban planning na kailangang magkaroon na ng maintenance provider ang MRT.

Aniya, isang ‘reputable’ Japanese company ang Sumitomo kaya naman masisiguradong mapapanatiling maayos ang MRT.

Dagdag pa ng senador, nauna nang hawakan ng naturang kumpanya ang MRT kaya alam na nito kung paano ang sistema ng MRT.

Sinabi rin ni Ejercito na mas makakaiging maghanap ang Department of Transportation (DOTr) na ng isang maintenance provider na namumuhunan rin sa mga spare parts.

Bukod sa pagbabalik ng Sumitomo, umaasa rin si Ejercito na mabibigyan ng emergency powers si Pangulong Rodrigo Duterte para matutukan at masolusyonan ang problema sa traffic sa Kalakhang Maynila.

Hanggang ngayon, hindi pa naaaprubahan ng Senado ang Senate Bill No. 1284 dahil hindi pa nakakapag-prisinta ang DOTr ng kanilang plano para maayos ang mabigat na daloy ng trapiko,

Maging si Senadora Grace Poe ay nagpahayag ng kanyang kagustuhang paaprubahan na ang SB 1284. Aniya, kailangan ito para sa mabilisang pagpapatupad ng mga solusyon sa traffic.

2012 nang mag-expire ang kontrata ng pamahalaan sa Sumitomo na pinalitan naman ng Busan Universal Rail Inc.

TAGS: Department of Transportation (DOTr), JV Ejercito, MRT 3, Sumitomo Corp., Department of Transportation (DOTr), JV Ejercito, MRT 3, Sumitomo Corp.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.