Apo ni Marcos, ikinasal sa apo ng kanyang dating katunggali sa pulitika
Ikinasal ang apo ni dating pangulong Ferdinand Marcos sa apo ng kanyang naging katunggali at karibal sa pulitika na si dating senador Raul Manglapus.
Miyerkules nang ikinasal sa isang pribadong pagtitipon sa Makati City ang anak ni Governor Imee Marcos na si Ferdinand Michael Manotoc kay Carina Amelia Manglapus.
Sa thanksgiving celebration ng pag-iisang dibdib ng dalawa, inalala ni Marcos ang nakaraang hidwaan sa pagitan ng dalawang pamilya matapos matalo ang kanyang ama sa kasong Marcos vs. Manglapus sa Supreme Court kung saan hindi ito pinayagang makabalik ng Pilipinas.
Ngunit aniya, matapos ang ilang dekada ay nahilom na ang sugat ng nakaraan at ngayon ay nagtagumpay ang pag-ibig dahil sa pag-iisang dibdib nina Manotoc at Manglapus.
Dumalo sa naturang okasyon sina Department of Environment and Natural Resources (DENR) secretary Roy Cimatu, presidential adviser Francis Tolentino, at presidential spokesperson Harry Roque.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.