Mga pribadong paaralan sa Marawi, humihingi ng tulong sa gobyerno

By Justinne Punsalang November 26, 2017 - 03:54 AM

Nananawagan sa pamahalaan ang pamunuan ng mga pribadong paaralan sa loob ng Marawi City na sana ay maayos na agad ang mga gusali ng eskwelahan sa lungsod.

Ani Dayalyn Tingaran na may-ari ng Senator Ninoy Aquino College Foundation, bagaman sila ay pribadong mga paaralan ay biktima rin sila ng kaguluhan na naganap sa pagitan ng tropa ng gobyerno ay ISIS-inspired Maute terror group.

Bukod sa naturang paaralan ay nasa 16 pang mga private schools ang nawasak.

Anila, nais rin nilang makatulong sa mga kabataan sa pamamagitan ng pagtuturo dito para hindi na sila pa matukso ng terrorism ideologies.

Samantala, bukas, araw ng Lunes magsisimula ang post-conflict assessment ng pamahalaan sa lungsod para malaman kung anu-anong mga gusali ang kailangang buuin sa loob ng ground zero.

Habang target naman na bago matapos ang Disyembre ay makalipat na sa temporary shelters ang 500 pamilyang bakwit.

TAGS: Marawi Private Schools, Marawi Private Schools

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.