20 truckload ng Mighty cigarettes, susunugin ngayong araw sa Davao City

By Rhommel Balasbas November 26, 2017 - 03:47 AM

Nakatakda nang sunugin ngayong araw sa Davao City ang nasa 20 truck ng pakete ng mga sigarilyo na may pekeng tax stamps.

Ang naturang mga sigarilyo ay pagmamay-ari ng Mighty Corporation na nakumpiska ng mga awtoridad sa mga warehouse at retail outlets sa Davao City, General Santos City, Tacloban City, Zamboanga at Cebu.

Pamumunuan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang pagsusunog sa kontrabando sa presensya nina Finance Secretary Carlos Dominguez III at ilan pang matataas na opisyal kasama ang mga anti-smoking advocates.

Nauna na ngang ibinenta ng mga mag-ari ng Mighty Corporation ang negosyo sa Japan Tobacco Inc. matapos pagbayarin ng gobyerno ng bilyun-bilyong tax deficiency.

Samantala, wala pa namang iskedyul ang pagsira at pagsunog sa mga sigarilyong nakumpiska rin dahil sa pekeng strip stamps sa mga warehouse sa Luzon.

TAGS: Mighty Cigarettes, Mighty Corportation, Mighty Cigarettes, Mighty Corportation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.